Bundol Ang biktima na sinubukang isalba ang buhay ng rumespondeng ambulansya matapos mabangga ng motorsiklo sa Tondo, Manila. JONJON C. REYES

Bebot sinalpok ng motorsiklo, tumama sa 2 paslit, dedo

Jon-jon Reyes Jun 30, 2026
25 Views

PATAY ang ginang na tumatawid sa Mel Lopez Blvd, Tondo, Maynila matapos masalpok ng motorsiklo at nadamay at nasaktan ang dalawang bata noong Lunes.

Nakilala ang biktima na si alyas Cynthia, 45, habang nasa kustodiya na ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit ang rider na si alyas Gervin, 26.

Ayon kay Police Capt. Joel Aquino, chief ng Vehicular Investigation Traffic Section ng MDTEU, bandang alas-11:41 ng umaga ng makatanggap ng tawag sa telepono si PSMS Darwin Arboleda tungkol sa vehicular accident sa nabanggit na lugar.

Nag responde si PSSg Jumhar Delos Santos at pagdating doon, nakita nila ang biktima na nakahandusay sa kalsada.

Lumalabas sa imbestigasyon na tumatawid ang biktima hanggang sa sinalpok ng humaharurot na motorsiklo.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima ng ilang metro at tumama sa naglalakad na dalawang paslit.

Isinugod sa pagamutan ang mga bata at nasa mabuti na silang kalagayan,.

Idineklarang patay ang biktima bandang alas-12:45 ng tanghali sa Gat Andres Bonifacio Medical Memorial Center ni Dr. Rachel Koon.