Calendar
MPD mahigpit ang pagbabantay sa Mendiola, Malacanang






NAGLAGAY ng mga concrete barrier at barb wire ang mga kapulisan ng Manila Police District sa kahabaan ng C.M Recto, Ayala Bridge, Palanca patungong Mendiola, upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng lahat matapos ilipat ng Iglesia ni Cristo ang kanilang pagtitipon sa Liwasang Bonifacio nitong Huwebes.
Personal na pinangasiwaan ni PBGen. Atty.Arnold C. Santiago., RCrim., DPA, District Director ng Manila Police District, ang paghihigpit ng seguridad sa paligid ng Malacañang.
Pinaalalahanan niya ang lahat ng tauhan ng pulisya na magpamalas ng “maximum tolerance” habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin.
Ito ay upang matiyak ang mapayapang pagsasagawa ng demonstrasyon habang pinananatili ang kaligtasan ng publiko, kaayusan at kapayapaan, at ang pagtalima sa batas.
Personal ding nagtungo si PBGen. Arnold Thomas Ibay, Deputy Regional Director for Administration ng National Capital Region, bilang tagapangasiwa at ground commander sa lugar.
Walang patid rin ang pagbabantay ng MPD sa INC rally.

