Calendar
Provincial
National Anti-Trafficking in Persons Awareness Month ipinagdiwang sa NY
Jojo Cesar Magsombol
Jul 2, 2026
137
Views

NAKIISA noong Miyerkules ang Philippine Consulate General sa New York sa pagdiriwang ng “National Anti-Trafficking in Persons Awareness Month” alinsunod sa Proclamation No. 1180.
Layunin ng Konsulado na itaguyod ang mga kampanya sa edukasyon, impormasyon, at adbokasiya upang wakasan ang ilegal na kalakalan ng tao.
May temang “Isang Nasyon, Isang Aksyon: Tapusin ang Human Trafficking Ngayon!” binigyang-diin ng okasyon ang pangangailangan para sa isang nagkakaisang puwersa ng buong lipunan.
Ayon sa Konsulado, mahalaga ang pagpapatibay ng ugnayan at agarang pagkilos sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan, civil society organizations, pribadong sektor, at buong komunidad upang masugpo ang krimeng ito at maprotektahan ang bawat mamamayan.
AYUDA SA BINAHANG BARANGAY
Aug 12, 2026
MWP sa rape, mahalay ng mga aktibidad nasakote
Aug 12, 2026
Mga kawatan nagpakalat ng pekeng BBM rice stubs
Aug 12, 2026
Laguna may libreng bakuna vs tigdas, rubella
Aug 11, 2026

