Calendar
Rape suspek nagtago ng 20 taon, nahuli, kulong
NAARESTO matapos ang mahigit dalawang dekadang pagtatago ang lalaking may kasong rape noong Huwebes sa Pasay City.
Nahuli si alyas Danilo mula sa arrest warrant galing kay Pasay City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Lilia Lopez ng Branch 109 para sa kasong rape na walang inirekomendang piyansa.
Dakong alas-9:45 Huwebes ng umaga nang salakayin ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco ang tirahan ng akusado sa Leonardo St. Brgy. 62, Pasay.
Hindi na halos makilala ng pamilya ng biktima ang akusado dahil umabot na siya sa edad na 72 bago tuluyang maaresto ng mga Pasay police sa pangangasiwa ni P/Col. Joselito De Sesto.
Pansamantalang nakapiit sa Warrant and Subpoena Section ng Pasay Police Station ang akusado.
