Amihan magdadala ng ulan sa Luzon
Nov 29, 2026
Calendar
Himas rehas na bakal ang suspek na nagnakaw ng 25 litro ng diesel sa Tondo, Manila.
Metro
Kelot nabuko sa pagnenok ng krudo, tiklo
Jon-jon Reyes
Jul 2, 2026
960
Views
ARESTADO ang isang lalaki na buking na nagnanakaw ng diesel at isinasalin sa container sa CMT CRUZ MATE compound sa Manila Harbour Centre sa Mel Lopez Boulevard, Tondo, Manila noong Lunes.
Nakilala ang suspek na si alyas Joey, 37, na ayon sa pulisya bandang alas-10:05 ng umaga nagnakaw sa nabangit na lugar,.
Isinalin ng suspek sa 1 storage container ang 25 litro ng diesel na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P1,725 pero namataan ng saksi na si alyas Roger kaya nahuli ang suspek nina Pat Alvin Chester Buan at Pat Kenneth Rosal.
Nakakulong sa himpilan ng pulis ang suspek at nahaharap sa kasong qualified theft.
Pugante, 58, ginawang alipin sa s*x nene, huli
Nov 29, 2026
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026

