Amo ninakawan, kasambahay arestado

35 Views

ARESTADO ang kasambahay matapos umanong nakawin ang mga alahas ng kanyang amo sa Quezon City noong Miyerkules.

Sa ulat ng sa Quezon City Police District (QCPD), alas-5:30 ng hapon ng matuklasan ng may-ari ng bahay sa Greenmeadows Subdivision, Brgy. Ugong Norte na nawawala ang ilang alahas niya habang inaayos ang kanyang mga personal na gamit.

Ipinagbigay-alam ng biktima sa mga security personnel ng subdivision ang pangyayari at inaresto ang kasambahay saka dinala sa QCPD Eastwood Police Station (PS 12) para sa imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang mga kaso.

Halos tatlong buwan pa lamang nagtatrabaho ang suspek sa nasabing bahay.

Nahaharap ang kasambahay sa kasong qualified theft sa ilalim ng Article 310 ng Revised Penal Code.