Ortega1

Impeachment trial pagkakataon sagutin ni VP Sara alegasyon laban sa kanya

Mar Rodriguez Jul 4, 2026
54 Views

ANG nalalapit na impeachment trial sa Senado ang pagkakataon ni Vice President Sara Z. Duterte para sagutin ang lahat ng alegasyon ng korapsyon na ibinabato sa kanya, ayon kay House Deputy Speaker at La Union Rep. Francisco Paolo Ortega V.

Ipinaliwanag ng House Deputy Speaker na matapos tumanggi si Duterte na dumalo sa mga nakaraang pagdinig ng House Committee on Justice.

Dapat samantalahin ng Pangalawang Pangulo ang pagkakataong humarap ng personal sa kanyang impeachment trial sa Hulyo 6 upang tuluyang sagutin ang mga paratang laban sa kanya na matagal ng naghihintay ang mga Pilipino ng kanyang paliwanag.

Ang impeachment court ang pinakaangkop na lugar upang sagutin ang mga akusasyon at tuluyang matapos ang isyu, ayon sa mambabatas.

“Doon po kasi history would tell otherwise, no? Since the 19th Congress po, kahit po sa budget briefings, budget hearings ng OVP, sa Quad Comm po dati, never po siya nag-attend.

So nung tinanong po ako dati dyan sa tanong na ‘yan, ang sagot ko po ay hindi po siya [aattend]. Ang suspetcha ko po at saka paniniwala ko na ay hindi po siya darating,” ayon kay Ortega.

Bagama’t hindi maaaring pilitin ang Bise Presidente na personal na lumahok sa impeachment proceedings, matagal nang naghihintay ang publiko na marinig ang kanyang panig.

“Sa body language po, saka sa basa ko sa diskarte, parang ang mangyayari po, dadaanin po talaga lahat sa abogado,” dagdag nito.

Anuman ang maging pasya ng Bise Presidente kung dadalo man siya o hindi, pagbibigay diin ni Ortega na ganap nang handa ang House prosecution panel na simulan ang impeachment trial sa Lunes, iharap ang lahat ng kanilang ebidensya at mga testigo, at patunayan na may sapat na batayan para sa hatol.

“Nakahanda na po. Nakahanda naman po ang prosecution. Actually, ‘yun naman pong inaantay po talaga ng lahat eh ‘yung maumpisahan na at saka matuldukan na.

Tapusin na natin itong kwento no ‘to, kasi since 19th Congress pa po ito, wala po tayong mga natanggap na sagot. So ito na ‘yung proper forum to address all of that,” pahayag ni Ortega.