50 gramong shabu nakuha sa suspek na tulak
Aug 22, 2026
50 gramong shabu nakuha sa suspek na tulak
Aug 22, 2026
Workaholic girlalu at chopopong hubby jiwalay na?
Aug 22, 2026
Calendar
Metro
Suspek sa panghahalay laglag sa parak
Edd Reyes
Jul 5, 2026
143
Views
NADAKIP ng mga pulis ang 53-anyos na suspek sa rape at child abuse na itinuring na most wanted sa Northern Luzon matapos matuklasang nagtatago ito sa inuupahang bahay sa Pasay City.
Natuklasan ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco na namamalagi si alyas Duque sa NAIA Road, Brgy. 192, Pasay City kaya’t palihim nila itong tiniktikan.
Dakong ala-1:50 ng madaling araw ng Sabado natiyempuhan ng mga operatiba ng Pasay Police Sub-Station 8, sa ilalim ng pamumuno ni Pasay police chief P/Col. Joselito De Sesto, ang akusado sa NAIA Service Road na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.
Dalawang magkahiwalay na warrant of arrest na inilabas ng hukuman sa lalawigan ng Isabela noon pang 2019 ang isinilbi ng pulisya sa akusado para sa mga kasong rape at child abuse.
“The arrest of this long-wanted fugitive proves that time and distance offer no permanent refuge for individuals fleeing serious criminal accusations,” pahayag ni BGen. Cinco.
Atienza nasa top 10 VMs ng Pinas
Aug 22, 2026
4 binawian ng buhay sa sunog sa Pasay
Aug 21, 2026
Kelot nanloob ng bahay, na-track ng GPS, natugis
Aug 21, 2026
Suspek sa panghoholdap tiklo
Aug 20, 2026

