KAMARA INAPRUBAHAN ANG PANUKALA VS BULLYING
Aug 26, 2026
Calendar
Provincial
Pagpapatupad ng batas pinagtibay ng PDEA, Batangas police
Jojo Cesar Magsombol
Jul 9, 2026
151
Views

KAMPO HENERAL MALVAR, lungsod ng Batangas–Nag-courtesy visit ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Batangas, sa pamumuno ni Provincial Officer IA III Juancho Esteban, kay provincial director P/Col. Oliver Ebora noong Hulyo 7 upang patatagin ang ugnayan ng dalawang puwersa sa pagpapatupad ng batas.
Binigyang-diin sa talakayan ang paggabay ng mga estratehiyang nakabatay sa intelligence, mas pinag-isang operasyon, at mabilisang pagbabahagi ng impormasyon upang masupil ang sindikato ng droga.
“Ang aktibidad na ito ay sumasalamin sa patuloy na dedikasyon ng BPPO at PDEA Batangas sa pagtataguyod ng isang lalawigang ligtas sa droga, mapayapa at matiwasay,” ayon sa pahayag na inilabas ng pamunuan.
Kelot na katulong kulong sa rape
Aug 26, 2026
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026

