RIT

RIT nanghablot ng braclet, kumaway pa sa CCTV camera

Steve A. Gosuico Jul 10, 2026
53 Views

RIT1

ZARAGOSA, Nueva Ecija–Kitang-kita sa CCTV footage ang panghahablot ng gintong bracelet sa may-ari ng tindahan na isinagawa ng riding-in-tandem (RIT) dito noong July 4.

Sa Facebook post, ibinahagi ni Ressy Pastor Cabacungan ng Brgy. Carmen ang pagtangay ng mga suspek sa gold bracelet ng kanyang ina dakong alas-9:00 ng umaga.

Huminto sa harap ng kanilang tindahan ang mga suspek at pagkaa-abot sa kanilang binili ay sabay hablot ng isa sa bracelet ng kanyang ina at tumakas na papalayo.

Nakuhanan ng CCTV footage ang kanilang pagtakas at kumaway pa ang mga ito sa camera, ayon kay Cabacungan.

“Maging alerto po ang lahat ng may tindahan baka isa den kayo sa mabiktima ng raider in tandem na to,” babala ni Cabacungan.