Rape

31-anyos na lalaki hinuli sa pangmamanyak ng menor de edad

Edd Reyes Jul 10, 2026
22 Views

TIMBOG ang 31-anyos na lalaki na akusado sa paulit-ulit na panghahalay sa menor-de-edad na biktima sa Quezon noong Huwebes sa Muntinlupa City.

Nasukol ng mga tauhan ni Muntinlupa police chief P/Col. Olivia Acheta si alyas Miko dakong alas-3:10 ng hapon sa Jade Heights Victoria Homes, Brgy. Tunasan.

Sa ulat ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco, tatlong magkakahiwalay na warrant of arrest na inilabas ni Infanta, Quezon Regional Trial Court (RTC) Fourth Judicial Region Presiding Judge Rodolfo V. Quitolbo, Jr. ng Branch 65 ang isinilbi sa akusado.

Isa rito ang kasong rape, isang bilang ng statutory rape at dalawang bilang pa ng kasong statutory rape.

Pansamantalang naka-detine ang akusado sa custodial facility ng Muntinlupa City police station.