Calendar
Suspek sa panghahalay nahuli
NAHULI ng mga pulis ang lalaki dahil sa kasong panggagahasa sa menor-de-edad noong Biyernes sa Muntinlupa City.
Sa bisa ng mga warrant of arrest na inilabas ni Muntinlupa City Family Court Presiding Judge Wehrly Gutierrez-Mendez ng Branch 8, dinakip ng mga tauhan ni Muntinlupa police chief P/Col. Olivia Ancheta si alyas Jubail, 18, dakong alas-8:00 ng gabi malapit sa kanyang tirahan sa Brgy. Bayanan, Muntinlupa.
Iniulat ni Col. Ancheta kay Southern Police District (SPD) director P/BGen. Glenn Oliver Cinco na may mga kasong rape by sexual assault at dalawang bilang ng rape ang akusado.
Naglaan ng piyansang P180,000 ang hukuman sa kasong rape by sexual assault at P400,000 sa dalawang bilang ng kasong rape para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Pansamantalang nakapiit sa custodial facility ng Muntinlupa police station.
