Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Suspek

Suspek sa paulit-ulit na panghahalay, nasakote

Edd Reyes Jul 11, 2026
29 Views

ARESTADO noong Miyerkules ang puganteng akusado ng paulit-ulit na panghahalay sa babaeng biktima sa Taguig City.

Pinasok ng mga tauhan ni Taguig police chief P/Col. Julius Anonuevo ang bahay ni alyas Jeffrey, 40, sa Brgy. Wawa dakong alas-6:40 ng gabi at doon nahuli, ayon sa report, sa tulong ng arrest warrant na pirmado ni Taguig Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Desiree Gertrude Orquila-Moldez ng Branch 163 para sa dalawang bilang ng rape at dalawang bilang ng rape by sexual assault.

Walang piyansang inilaan ang hukuman sa dalawang bilang na kasong rape habang P400,000 ang piyansa para sa dalawang bilang ng rape by sexual assault.

Pinuri ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco ang aksyon ng Taguig police.