Calendar
Metro
‘Boy Yabang’ nagpasikat ng baril sa kalye, pinosasan
Edd Reyes
Jul 11, 2026
225
Views
SWAK sa selda ang vendor na naaktuhan ng mga pulis na nagwawasiwas ng baril habang naglalakad noong Biyernes sa Taguig City.
Nahuli ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco dakong alas-11:00 ng gabi sa Dayap St., Brgy. Western Bicutan si alyas “Rolando” na may bitbit na baril.
Dinis-armahan at inaresto ang suspek matapos mabigong maglabas ng lisensiya sa pagdadala ng kalibre .45 pistola na may tatlong bala sa magazine.
Sinabi ni Taguig police chief P/Col. Julius Anonuevo na inihahanda na ang paghahain ng kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa suspek.
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026

