kriminal

Babae kinasuhan ng ex-amo ng13 bilang ng pagnanakaw, arestado

Edd Reyes Jul 12, 2026
33 Views

NAHULI ng mga pulis sa Taguig City ang babaeng suspek sa sangkaterbang kasong kriminal na isinampa ng dating amo sa Pasig City noong Sabado.

Dakong alas-7:30 ng gabi nang mahuli ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco sa Palar Village, Brgy.

Southside si alyas Angela na nahaharap sa 13 count ng mga kasong kriminal.

Bitbit nina P/Lt. Col. Ronald Cayago ang 13 warrants of arrest na inilabas ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Jesus Angelito Y. Huertas, Jr. ng Branch 261 para sa kasong qualified theft laban sa akusado.

May piyansang tig-P180,000 sa bawat isa sa anim na kaso ang hukuman at tig-P168,000 sa pitong kaso kaya kailangan makapaglagak ng suspek ng P2,256,000 para pansamantalang makalaya.