MMDA

MMDA maglalagay ng exclusive lane para sa motorsiklo

251 Views

Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maglagay ng exclusive lane para sa motorsiklo sa mga piling kalsada sa Metro Manila.

Maaari umanong simulan ang programa sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Umaasa ang MMDA na mababawasan ang mga aksidente na kinasasangkutan ng mga motorsiklo kapag mayroon ng sariling lane ang mga ito.

Noong 2021 ay mahigit 26,000 ang naitalang aksidente na kinasangkutan ng mga motorsiklo.