Mekaniko vs mekaniko: 1 pumanaw

116 Views

TIGOK ang mekaniko na pinagbabaril sa likod ng nakaalitan niyang mekaniko rin sa Don Manuel at Banawe Streets, Barangay St. Peter, Quezon City, noong Huwebes.

Kinilala ng mga pulis ang naarestong suspek na si alyas “Roose,” 41-anyos.

Sa ulat ng La Loma Police Station 1 ng Quezon City Police District, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek. Umalis muna ang suspek matapos magbanta.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang suspek na armado na ng cal .38 revolver at pinaputukan ang biktima sa likod.

Tinangka pang tumakas ng suspek ngunit pinigilan siya ng mga tao hanggang sa dumating ang mga pulis na umaresto sa kanya.

Nabatid ng mga pulis na may mga nauna ng kaso ang suspek kabilang ang acts of lasciviousness at mga paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, Anti-Illegal Gambling law at Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Nahaharap ang suspek sa kasong murder na isasampa sa Quezon City Prosecutor’s Office.