Calendar
Big-time pusher ipinakilala sa mayor ng Valenzuela
IPRINISINTA ng mga pulis noong Biyernes kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang umano’y big-time drug pusher na nakuhanan ng mahigit P1 milyong halaga ng shabu.
Sa ulat ni Northern Police District director PBGen. Benliner Capili, dinakip si alyas “Rik-Rik,” 33-anyos, dakong alas-10:35 ng gabi noong Miyerkules sa Saint Paul Street, Barangay Veinte Reales, matapos pagbentahan ng P17,000 na halaga ng shabu ang nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa suspek ang 150 gramo ng shabu na may street value na P1,020,000, motorsiklo at ang P17,000 na markadong salapi na ginamit sa operasyon.
Tinalakay sa Valenzuela ang istatistika sa mga kaso na may kinalaman sa pagsugpo sa bawal na gamot, na ayon kay Mayor Gatchalian ay mga pinaigting na hakbang upang mapanatiling ligtas ang mga komunidad.
