Calendar
Bigas ipinamahagi sa 4K na taga-LP
UMABOT sa 4,000 Las Piñeros ang tumanggap ng rice subsidy sa Aguilar Sports Complex noong Biyernes bilang bahagi ng “Mula sa Puso Para sa Pamilya” ni Unang Ginang Liza Marcos.
Katuwang ng Unang Ginang si Mayor April Aguilar sa pamamahagi ng tig-10 kilong bigas, kasama sina Vice Mayor Mel Aguilar, Congressman Mark Anthony Santos, Councilors Alelee Aguilar, Henry Medina, Macky Saito, Mac Mac Santos at Robert Cristobal.
Nagpasalamat ang Las Pinas sa pagdalo ni San Juan City Mayor Francis Zamora, kasalukuyang pangulo ng Metro Manila Council (MMC) at national president ng League of Cities of the Philippines (LCP).
Patuloy na nakikipagtulungan ang Las Piñas sa pambansang pamahalaan upang matiyak na ang mga programang may direktang pakinabang ay naipaparating sa mga Las Piñerong higit na nangangailangan.

