Calendar
Bangkay ng babae nakita
sa loob ng maleta sa Taguig
NATAGPUAN ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang babae sa loob ng isang asul na maleta na nakabalot pa sa itim na plastic garbage bag sa isang creek sa Purok 5, Barangay Tanyag, Taguig City, ayon sa Taguig City Police Station.
Narekober ang bangkay bandang 12:30 ng tanghali noong Hulyo 24.
Batay sa paunang paglalarawan ng pulisya, tinatayang nasa 35 hanggang 40 taong gulang ang babae. Nakasuot siya ng asul na short pants at itim na short-sleeved blouse na may puting printed pattern.
Mayroon din umano siyang dalawang natatanging tattoo: isang itim na band tattoo na may geometric at tribal-inspired pattern sa ibabang bahagi ng kanang binti, at isang tattoo ng dilaw na araw na may pula at asul na sinag na napapalibutan ng apat na itim na bituin at may hindi mabasang cursive inscription sa kaliwang bisig.
Dinala ang bangkay sa Loreto Funeral Homes para sa autopsy at iba pang pagsusuri upang matukoy ang sanhi at paraan ng pagkamatay.
Patuloy ang imbestigasyon ng Taguig City Police upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima, mahanap ang kanyang pamilya, at matukoy ang mga responsable sa insidente.
Nanawagan ang pulisya sa sinumang may impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng babae na makipag-ugnayan sa Unified 911 o sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.
Larawan: PNP Taguig City Police Station
Bangkay ng babae nakita sa loob ng maleta sa Taguig