Drug suspek nakipag-transaksyon sa pulis sa Taguig, dinampot

Edd Reyes Jul 25, 2026
173 Views

SWAK sa selda ang 43-anyos na suspek na tulak ng ilegal na droga matapos makipag-transaskiyon sa pulis noong Sabado sa Taguig City.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco ang suspek na si alyas Junior na nakuhanan din ng hindi lisensiyadong kalibre .38 revolver na may anim na bala.

Ayon kay Taguig police chief P/Col. Julius Anonuevo, binentahan ng suspek ng shabu ang pulis na inakala niyang buyer dakong alas-7:20 ng umaga sa Brgy. North Signal na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Nasamsam ng mga pulis ang 10.09 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,612 at markadong salapi.

Nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Taguig City Prosecutor’s Office ang suspek.