Calendar
Kinilala ni PLt. Col. Rommel Anicete ang mga suspek na natimbog habang nakamasid si MPD chief PBGen. Arnold Santiago.
Bebot, 2 kelot dinampot dahil sa 8 gramo ng shabu
SWAK sa rehas ang 28-anyos na babae at dalawa niyang kasamang lalaki sa buy-bust ng MPD Baseco Police Station 13 matapos at nakumpiska ang walong gramo ng ipinagbabawal na gamot sa Blk. 9, Old Site, Baseco compound, Port Area, Manila noong Biyernes.
Nakilala ang pangunahing suspek na si alyas Bin-bin at ang dalawa niyang kasama na sina Oca, 55; at Ramil, 52.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, hepe ng MPD Baseco Police Station 13, bandang alas-12:30 ng hatinggabi ng ilatag ang buy-bust sa pamumuno ni PLt. Mark Jason Ramos at nagresulta ito sa pag-aresto sa mga suspek at pagkumpiska ng 8 gramo ng shabu na may value na P54,400.
Ang mga naarestong suspek ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Manila City Prosecutor’s Office.

