Calendar
Mayor Isko: Ang parole ay nagbibigay ng pangalawang pagkakataon
INILAHAD ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa mga opisyal ng Parole and Probation Administration (PPA) na buhay na patunay siya na gumagana ang pagbibigay ng ikalawang pagkakataon sa bawat indibidwal.
Sa kanyang talumpati sa PPA-NCR Criminal Justice Stakeholders’ Conference sa Manila Hotel, ibinahagi ng alkalde ang kanyang karanasan sa Tondo na napapaligiran daw ng mga taong tumatahak sa iba’t-ibang landas.
“Ako ay napapalibutan ng mga medyo maabilidad na indibidwal na hilig tumambay sa kanto.
Ang parole ay nagbibigay ng pangalawang pagkakataon. Na ang isang basurero ay pwedeng maging mayor,” ng alkalde.
Binigyang-diin din ni Mayor Isko na ang tunay na katarungan ay hindi lamang sa pagpaparusa kundi sa pagkakaloob ng ikalawang pagkakataon sa taong nagkakasala.
