Calendar
Lalaki pinagsasaksak, utas
UTAS ang hindi pa nakikilalang lalaki na paulit-ulit pinagsasaksak ng dalawang suspek sa bahay sa Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City noong Martes.
Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente bandang alas-12:30 ng hatinggabi sa bahay sa Maligaya Street.
Nagising umano ang isang babaeng saksi matapos makarinig ng kaguluhan sa ibabang palapag ng kanyang bahay.
Bumaba ang saksi at naaktuhan mismo na sinasaksak ng kanyang live-in partner at isa pang lalaki ang biktima.
Tinangka pa umano ng saksi na awatin ang mga suspek ngunit nagpatuloy ang pananaksak hanggang sa makatakbo ang biktima paakyat ng bahay.
Tumakas naman ang dalawang suspek bago dumating ang mga rumespondeng barangay tanod.
Isinugod pa sa Novaliches District Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Inilarawan ang biktima na nasa edad 40 hanggang 50, mga 5’8′ ang taas, naka-puting T-shirt at puti-itim na checkered shorts.

