Calendar
Provincial
Kelot binaril ng bayaw ng paltik, sugatan
Gil Aman
Aug 2, 2026
260
Views
SUGATAN ang isang lalaki matapos barilin ng kanyang bayaw gamit ang paltik na cal. .22 rifle dahil sa matagal ng alitan sa Brgy. San Agustin, Alaminos, Laguna noong Sabado.
Kinilala ng Alaminos police ang sugatang biktima na si alyas Alex na kasalukuyang ginagamot dahil sa tama ng bala sa kaliwang sikmura.
Ang itinurong suspek, si alyas Inton, tumakas matapos ang pamamaril.
Base sa imbestigasyon dakong alas-3:00 ng hapon ng hindi inaaasahan magkita ang dalawa at nagkaroon ng mainitang pagtatalo na humantong sa pamamaril ng suspek ng malapitan.
Narekober ng mga pulis ang ginamit na baril na naiwan ng suspek sa pagtakas.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

