Calendar
Factory worker nakorner sa paghipo sa anak ng ka-live in
TIMBOG ang 33-anyos na factory worker na suspek sa “panggagapang” at panghihipo sa maselang bahagi ng katawan ng menor-de-edad na anak ng ka live-in niya noong Linggo sa Paranaque City.
Dakong ala-1:00 ng madaling araw nang magising ang 15-anyos na dalagita ng maramdaman ang ginagawang pagmomolestiya sa kanya ng suspek na si alyas Arvin sa silid ng kanilang bahay sa Brgy. Sun Valley.
Naitulak ng dalagita ang amain sabay takbong palabas ng bahay para humingi ng tulong sa kanyang kaanak na nagta-trabaho sa kalapit na convenience store na siyang tumawag sa hotline 911.
Nakapagresponde ang mga tauhan ni Paranaque police chief P/Col. Nicolas Pinon at nagtungo sa bahay ng biktima, kasama ang mga opisyal ng barangay, na nagresulta sa pagkakadakik sa suspek.
Pinuri ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco ang Paranaque police sa pagtugon sa paghingi ng tulong ng biktima.
Kasong acts of lasciviousness ang kakaharaping kaso ng suspek sa Paranaque City Prosecutor’s Office.

