Calendar
Mayor Isko sa Meralco: Sirang mga poste tanggalin na
PINATATANGGAL ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa Meralco ang mga sira at hindi na mapapakinabangang poste sa buong lungsod.
Sa pakikipagpulong ng alkalde sa mga kinatawan ng Meralco kaugnay sa konsultasyon na tumalakay sa system loss charge, natuklasan sa pamamagitan ng kanilang makabagong ArcGIS mapping na sa 33,000 mga poste sa lungsod, mahigit 6,000 rito ang sira na at higit 6,000 ang nakahilig.
Nangako ang kinatawan ng Meralco na bibilisan ang pagsasa-ayos ng kanilang mga poste at pumayag na magtatakda sila ng timeline para ito matupad.
“There may be some shortcomings in the past, but we try to correct them today and in the future. You have a friend in the City,” pahayag ni Mayor Isko.
Tiniyak din ng alkalde na bibigyan nila ng proteksiyon, sa pamamagitan ng pagpapakilos sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD), ang mga field crew ng Meralco na nagsasagawa ng operasyon laban sa mga nagnanakaw ng kuryente.
Ipinabatid naman ng Meralco kay Mayor Isko na ilang mga punong barangay ang gumagamit ng ilegal na koneksiyon ng kuryente sa kanilang bahay at sila rin ang humaharang ang nagpapa-antala sa ginagawa nilang operasyon laban sa mga nagnanakaw ng kuryente.
