Driver

Pickup driver na nakasagasa, kumaladkad sa 12-anyos, sumuko

36 Views

Driver1Driver2Driver3Driver4Driver5SUMUKO sa mga awtoridad ang driver ng pickup truck na sangkot sa pagkakasagasa at pagkakaladkad sa 12-anyos na batang lalaki sa Brgy. E. Rodriguez, Quezon City.

Sa video, makikitang nakahiga ang biktima habang umuulan kasama ang ibang mga bata nang biglang pumasok ang company service pickup at masagasaan siya.

Ilang metro pa siyang kinaladkad bago napahinto ang sasakyan matapos senyasan ng isang batang nakasaksi.

Sa halip na bigyan ng agarang tulong, itinayo umano ng driver ang sugatang bata at saka mabilis na umalis sa lugar.

Isinugod sa ospital ang Grade 7 student na nagtamo ng mga pinsala sa katawan at nahirapang maglakad matapos ang insidente.

Natukoy ng mga opisyal ng barangay ang plaka ng sasakyan na pag-aari ng isang kumpanya kung saan nagtatrabaho ang nasabing drayber.

Naglabas na rin ng show cause order ang Land Transportation Office laban sa driver at sa rehistradong may-ari ng sasakyan.

Posibleng mabawi ang lisensya ng driver at hindi na magamit ang pickup habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.