Calendar
30-anyos na lalaki nasakote sa paulit-ulit na pagmanyak sa minor
TIMBOG ang 30-anyos na suspek sa umano’y paulit-ulit na pangmomolestiya sa menor-de-edad na biktima sa kanyang bahay sa Malabon City.
Nasakote ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) District director P/BGen. Benliner Capili si alyas Topak noong Biyernes habang nakatambay sa Hiwas Alley, Brgy. Longos.
Nasa Top 3 Most Wanted Person ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si alyas Topak at Top 1 Most Wanted Person sa talaan ng NPD at Malabon City.
Naisilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Woman and Children Protection Desk ang warrant of arrest na inilabas ng Malabon Family Court Branch 4 laban sa akusado para sa 11-bilang ng rape through sexual assault at isang bilang ng statutory rape.
Ayon kay NPD Public Information Office (PIO) chief P/Lt. Reichel Raymundo, walang piyansa ng inirekomenda ang korte para sa statutory rape habang may piyansang P2,200,000 sa 11 bilang ng kasong rape through sexual assault para sa kanyang pansamantalang paglaya.
