Boga

2 boga kinana, kumana laglag sa parak

Edd Reyes Aug 8, 2026
71 Views

Boga1TIKLO ang 30-anyos na lalaking suspek sa pagnenenok ng dalawang lisensyadong baril ng matiyempuhan ng mga pulis habang bitbit ang lalagyan ng armas noong Biyernes sa Malabon City

Naglalakad sa Matahong St. Brgy. San Agustin ang suspek na si alyas “Tonyo” dakong alas-11:20 ng gabi nang sitahin siya ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) director P/BGen. Benliner Capili matapos makita ang bitbit niyang berdeng lalagyan ng baril.

Nang sitahin ng mga pulis, walang maipakitang patunay ang suspek na sa kanya ang lalagyan ng baril at nang buksan ay tumambad ang laman nitong dalawang kalibre .22 rifles, mga magazine at mga bala na kinilala ng biktima na kanyang pag-aari.

Iniutos na rin ni BGen. Capili sa Malabon Police Sub-Station 6 na isailalim sa ballistic examination ang nabawing mga baril at beripikahin ang mga iprinisintang dokumento ng biktima.

Inihahanda na rin ang pagsasampa ng kasong pagnanakaw at paglabag sa RA10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) laban sa suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office.