Suspek Inihayag ni MPD Director Police Brig. General Arnold Santiago ang natagumpay na buy-bust operation sa Malate, Manila kung saan nasakote ang isang drug suspek at nakumpisak ang P2 million halaga ng hinihinalang shabu. JONJON C. REYES

MPD dineliver Lalamove rider sa selda dahil sa P2M droga

Jon-jon Reyes Aug 8, 2026
43 Views

ISANG 40-anyos na Lalamove rider ang nakorner ng mga operatiba ng MPD Drugs Enforcement Unit sa Malate, Maynila, Huwebes ng gabi.

Nakilala ang suspek na si alyas Toto, 40, may kinakasama, at naninirahan sa Buhay St., Barangay 597, Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa report na nakarating kay MPD Director Police Brig. General Arnold Santiago, inilatag ang buy bust operation sa pamumuno ni PMaj. Gil John Lobaton ay isinagawa ni PSSg Rommel DG Ponce kasama ang mga tauhan ng Manila Police District Drug Enforcement Unit (MPD-DEU) na may PDEA Coordination sa kahabaan ng San Andres St., kanto ng Taal St., Barangay 739, Zone 80, Malate.

Nakumpiska sa suspek ang limang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbng na 325 gramo at nagkakahalaga ng P2,210,000 at ang ginamit na pera sa buy-bust operation.

Kasalukuyang nasa kustodiya na nasabing yunit ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Seksyon 5 at Seksyon 11 ng Republic Act 9165.

Pinuri ni Santiago ang kanyang mga kapulisan dahil sa matagumpay na operasyon.