Shabu Ayon kay, Police Brig. General Arnold Santiago, ang arestadong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at nasa listahan bilang high value individual (HVI). JONJON C. REYES

Bebot nalambat sa Rizal Ave. dahil sa 50 gramo ng ‘shabu’

Jon-jon Reyes Aug 10, 2026
37 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng Station Drugs Enforcement Unit ng Manila Police District Station 3 ang babae na may dalang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000 sa Rizal Ave. at Tambunting St., Brgy. 374, Sta. Cruz, Maynila noong Linggo.

Ang suspek, si alyas Bebe, 37, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at nasa listahan bilang high value individual (HVI).

Sa report kay MPD Director PBGen. Arnold Santiago, bandang alas-10:30 ng gabi ng ikasa ng mga operatiba ng SDEU ang operasyon laban sa suspek.

Bago ang pag-aresto, nakatanggap ang mga pulis ng tawag sa telepono hinggil sa babaeng sangkot sa drug dealing sa lugar.

Nagtungo sina PSSg Jeffrey Castillo, PSSg Rudvian Manlapas, PSSg Ram Jay Belando, PSSg Anthony Bernal, PMSg Manuel Asuncion, Pat Sittie Ainahposition Deri at Pat Limpio sa lugar kaya nahuli ang suspek.

Narekober ng mga pulis ang pinaniniwalaang 50 gramo ng shabu, ayon sa report.

Nakadetine sa station custodial facility ang suspek habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya.