Calendar
Depektibong electrical wiring tinitingnang sanhi ng sunog sa Malate

NASA 150 kabahayan ang nilamon ng apoy sa Arellano Street, Barangay 739, Malate, Manila, Miyerkules ng madaling araw.
Ayon sa ulat, sumiklab ang sunog mula sa isang bahay sa Arellano Street.
Mabilis na lumakas at kumalat ang apoy sa mga katabing bahay.
Pinaniniwalaang nagmula ang sunog sa sira o depektibong electrical wiring.
Agad humingi ng tulong ang mga residente sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Dahil sa bilis ng pagkalat apoy, itinaas ang antas ng insidente sa Fourth Alarm.
Pinangasiwaan ni FO2 Kim Allen Neres, arson investigator, ang kaso at isinagawa ang paunang imbestigasyon.
Idineklarang kontrolado ang sunog bandang alas-3:35 ng madaling-araw noong Agosto 12, 2026, at kalaunan ay idineklarang tuluyang naapula bandang alas-5:40 ng umaga,.
Walang naiulat na nasugatan kaugnay ng insidente. Tinatayang nasa 200 pamilya ang naapektuhan ng sunog.
Kasalukuyang nanunuluyan sa kalapit na elementary school ang mga nawalan ng tirahan.
