Malate Ang nasawing dalaga. JONJON C. REYES

Babae, 18, dedo matapos mahulog mula 10th floor sa Malate

Jon-jon Reyes Aug 13, 2026
42 Views

Malate1Malate2Malate3PATAY ang isang 18-anyos na babae na umano’y estudyante matapos mahulog mula sa ika-10 palapag ng gusali sa Malate, Manila, Huwebes ng hapon.

Ang gusali ay matatagpuan sa kahabaan ng Noli Agno Street kanto ng F. Reyes Street, Barangay 708.

Nakilala ang biktima na si alyas MQ, dalaga, at huling nanirahan sa dormitoryo ng mga babae na matatagpuan sa Barangay 714, Malate.

Ayon sa report ng pulisya, bandang 1:35 ng hapon nang maiulat ang insidente.

Agad na rumesponde sina PSSg. Glenn D Campana at PSSg Jobert B Castro at kinordon ang pinangyarihan ng trahedya.

Ang biktima ay natagpuan ng mga saksi na sina alyas Rey, security guard, at residente ng Barangay Central, Quezon City; alyas Homer, 38, security guard, residente ng Zacatero Street, Sta. Cruz, Maynila; at alyas Be, 39, at residente ng Noli Agno Street.

Ang biktima ay dineklarang patay ng sumuring doktor.

Inendorso naman sa MPD Homicide Section sa ilalim ni Police Major.Dave Garcia ang insidente para sa nararapat na imbestigasyon at disposisyon.