Suspek sa pagkakatay ng aso tiklo
Aug 15, 2026
Calendar
Metro
Bangkay ng lalaki isinilid sa sako
Gil Aman
Aug 15, 2026
20
Views
ISANG bangkay ng lalaki ang natagpuang nakasilid sa sako ng patuka sa manok noong Biyernes sa Purok Uno, Brgy. San Ignacio, San Pablo City, Laguna, ayon kay P/Lt. Col. Mederic Villarete, hepe ng San Pablo police.
Walang pagkakakilanlan sa biktima, ayon pa sa pulis.
Natagpuan sa gilid ng kalsada ang sako at ipinagbigay alam ni Rowelito Bondalan Ilagan, 60, konsehal ng barangay, sa pulisya.
Ayon sa imbestigasyon, bandang ala-1:20 ng hapon nang madiskubre ang biktima na nasa loob ng sako.
Isasailalim sa technical investigation ang biktima upang matukoy ang sanhi ng kamatayan.
Suspek sa pagkakatay ng aso tiklo
Aug 15, 2026
Nanutok na, may shabu pa, tiklo
Aug 15, 2026
P3.57M shabu nasamsam sa 2 suspek na tulak
Aug 15, 2026

