Calendar
Pedicab rider ‘di nagbayad, nanutok ng toy gun, arestado
TIMBOG sa mga parak ang pasahero ng pedicab na nanutok ng laruang baril sa drayber na naghatid sa kanya matapos siyang singilin sa pasahe noong Sabado sa Valenzuela City.
Nadakip ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director Benliner Capili ang suspek at nakumpisa ang itinutok na toy gun na parang tunay na cal .45.
Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento, nagpahatid ang suspek sa Sagip Street, Barangay Arkong Bato ng alas-12:15 ng hatinggabi.
Nang singilin ng biktima ng P30 ang suspek, tumanggi na siyang magbayad kaya nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang bumunot ng baril ang pasahero at tinakot na babarilin ang drayber.
Mahaharap sa kasong grave threat at paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
