Sunshine tinanggihan dream project dahil sa sakit
Aug 15, 2026
Mika nagbura ng socmed apps para sa peace of mind
Aug 15, 2026
Heart binayaran P2M utang ng kaibigan
Aug 15, 2026
Suspek sa pagkakatay ng aso tiklo
Aug 15, 2026
Calendar
Metro
2 suspek sa pagpanaw ng estudyante tiklo
Melnie Ragasa Jimena
Aug 15, 2026
22
Views
NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawa pang estudyante na sangkot sa pagpatay sa 16-anyos na estudyante sa Quirino Highway, Brgy. Pasong Putik Proper, Quezon City noong Huwebes.
Sa ulat kay QCPD Director P/BGen Randy Glenn Silvio, alas-11:30 ng gabi noong Biyernes nang matunton ang isa sa mga suspek, habang ang isa naman ay isinuko ng kanyang mga magulang sa Pasong Putik Police Station (PS-16).
Unang naaresto si alyas “Echavez,” ang 18-anyos na Grade 12 student.
Inginuso ni “Echavez” ang dalawa pang suspek na ang isa ang sinasabi niyang sumaksak at nakapatay sa biktimang si alyas “Kat” na mag-aaral sa Grade 11.
Batay sa imbestigasyon, nagtungo ang biktima sa billiard hall sa Quirino Highway alas-6 ng gabi noong Agosto 13.
Habang nasa loob ng establisimyento, dumating ang mga suspek at hinamon ng suntukan ang grupo ng biktima kaya nauwi sa pisikal na komprontasyon.
Sa gitna ng kaguluhan, isa sa mga suspek ang umano’y naglabas ng patalim at paulit-ulit na sinaksak ang biktima bago tumakas kasama ang kanyang mga kasamahan.
Isinugod ang biktima sa Commonwealth Hospital subalit idineklarang dead on arrival sanhi ng saksak sa kaliwang dibdib at kaliwang puwet.
Ang mga menor de-edad na suspek ay sasailalim sa prosesong legal para sa kasong homicide sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Ililipat sila sa Molave Youth Home sa Quezon City alinsunod sa mga umiiral na batas at protocol na sumasaklaw sa mga batang nasangkot sa krimen.
Suspek sa pagkakatay ng aso tiklo
Aug 15, 2026
Suspek sa pagkakatay ng aso tiklo
Aug 15, 2026
Bangkay ng lalaki isinilid sa sako
Aug 15, 2026
Nanutok na, may shabu pa, tiklo
Aug 15, 2026
