Isko

Umento sa sahod ng 9K Manila City Hall workers magsisimula sa Sept 1

Edd Reyes Aug 17, 2026
127 Views

MATATANGGAP na ng mahigit 9,000 na empleyado ng Manila City Hall ang third tranche ng umento sa sahod mula sa Setyembre 1, 2026, ayon kay Mayor Isko Moreno Domagoso.

Karagdagang P100 milyon ang magiging obligasyon ng lokal na pamahalaan para mapunuan ang pagtataas ng sahod, ayon sa mayor.

Batid ng alkalde ang mahigpit na kalagayang pananalapi ng lungsod bagama’t kumpiyansa siyang malalampasan ito dahil sa disiplinadong pamamahala.

“Sa masinop, mainam, at epektibong paggasta, unti-unti natatawid natin ang pangangailangan ng siyudad. Natatawid natin ‘yung mga programa ng siyudad,” sabi ni Yorme.

“So, congratulations to our 9,364 employees, and we will submit it to the City Council to appropriate such amount that is almost 100 million pesos increase in our obligation,” dagdag ng alkalde.

Ang taas-sahod ng mga regular na kawani ay bahagi ng kanyang pangako sa mga manggagawa.