Suspek

QC cops inaresto 155 suspek sa krimen

162 Views

UMABOT sa 155 ang naaresto ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) na sangkot sa ilegal na droga, mga wanted person, ilegal na armas at sugal sa sa Quezon City mula Agosto 9 hanggang 15.

Sa pangunguna ni QCPD director PBGen. Randy Glenn Silvio, 56 ang nadakip sa 42 anti-drug operations, habang P510,544 na halaga ng ilegal na droga ang nasamsam.

Samantala, 67 wanted person ang nasukol sa manhunt kabilang ang 35 most wanted persons.

Anim ang nadakip sa limang operasyon kontra ilegal na armas at anim na baril ang nakumpiska.

Nasakote rin ang 26 katao sa 25 operasyon kontra ilegal na sugal habang P10,260 bet money ang nakumpiska.

Kabilang sa mga nadakip si alyas Butchoy na may dalawang warrant of arrest sa kasong robbery at 10 taon na umanong nagtago.

Ayon kay Silvio, patuloy na paiigtingin ng QCPD ang kanilang operasyon upang masugpo ang kriminalidad sa Quezon City.

Kinasuhan na ang mga naaresto sa Quezon City Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa RA 9165, RA 10591 at PD 1602.