Vendor Binasahan ni Police Maj. Fredwin Sernio ng mandameyento de aresto ang akusado matapos makorner ito ng mga tauhan ng Warrant Section at Plaza Miranda PCP-MPD Station 3 sa Sta Cruz, Manila.

Suspek sa perjury nasakote ng MPD-3

Jon-jon Reyes Aug 20, 2026
24 Views

Vendor1HINDI na nakatakas ang isang 30-anyos na lalaki sa mga operatiba ng MPD Station 3 dahil sa kaso nitong perjury matapos makorner sa kahabaan ng Quezon Boulevard kanto ng Plaza Miranda, Quiapo, Sta. Cruz, Maynila, Martes ng gabi.

Nakilala ang suspek na si alyas JJ, tubong Angeles City, Pampanga, binata, tindero, at kasalukuyang naninirahan sa Ventura St., Ninoy Aquino, Angeles City, Pampanga

Ayon kay PMaj. Fredwin L. Sernio, bandang 7:50 ng gabi nang damputin ang akusado ng mga tauhan ng Warrant-Intel at Plaza Miranda PCP ng MPD PS-3 sa pamumuno ni Police Major Sernio.

Dinampot ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa dalawang bilang ng perjury o paglabag ssa Artikulo 183 ng Revised Penal Code.

Inirekomenda ang piyansang P18,000 bawat kaso para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Ang warrant ay inilabas ni Judge Erick Aliado Sadural, ng Angeles City, Pampanga Regional Trial Court Branch 116 noong Abril 7, 2025.