CAFGU

CAFGU member nakorner sa kasong gahasa sa Nasugbu

168 Views

CAFGU1

BATANGAS CITY–Arestado ang isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) dahil sa kasong rape at kasama sa Most Wanted Persons sa Brgy. Pantalan, Nasugbu, Batangas,noong Martes.

Kinilala ang suspek sa alyas na Jay-ar na nahuli ng Nasugbu Municipal Police Station at 2nd Batangas Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 14.

Dalawang bilang ng kasong rape ang kinakaharap ng akusado at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ayon sa Batangas police, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng Miranda Doctrine at Anti-Torture Law.

Nasa kustodiya ng Nasugbu police ang suspek habang inihahanda ang mga dokumento para sa pagbabalik ng warrant sa korte.