Rape

Batang babae, 12, itinago ng tambay sa bahay ng 4 na araw, ginahasa, nasagip

Edd Reyes Aug 22, 2026
141 Views

NAILIGTAS ng pulisya sa kamay ng 30-anyos na tambay ang 12-anyos na batang babae na kanyang ginahasa umano at itinago sa kanyang bahay sa loob ng apat na araw sa Pasay City.

Biyernes ng gabi nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Pasay Police Sub-Station-6, Women ang Children Protection Desk (WCPD) ng Taguig City Police, at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bahay ni alyas Angelo sa S. De Guzman St. Brgy. 165 Malibay, na nagresulta sa kanyang pagkakadakip at pakakaligtas sa batang biktima.

Sa tinanggap na ulat ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco, nagtagpo ang biktima at suspek noong Agosto 18, araw ng Martes, sa Taguig City at mula roon ay dinala na ng lalaki ang bata sa isang hotel sa Pasay City at puwersahang hinalay.

Matapos molestiyahin, inuwi na ni alyas Angelo sa kanyang bahay sa Malibay ang biktima at doon na niya itinago ng apat na araw hanggang makakita ng pagkakataon ang bata na tumawag ng palihim sa ina para humingi ng tulong matapos muli siyang gahasain ng suspek araw ng Biyernes.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 11648 o An Act Promoting Stronger Protection Against Rape and Sexual Exploitation and Abuse sa Pasay City Prosecutor’s Office.