Calendar
Pondo para sa brgys na nasa state of calamity gagawin sa special session
NAGPATAWAG ng special session si Mayor Isko Moreno Domagoso sa 13th City Council upang maipasa ang resolusyon na magbibigay daan sa paglalabas ng pondo sa ilang mga barangay na idineklarang nasa state of calamity.
Ayon kay Vice Mayor Chi Atienza, isinailalim sa estado ng kalamidad ang Brgys. 101, 105, 195, 199, 213, 214, 215, 216, 217, 292, 313, 314, 327, 330, 432, 598, 600, 602, 607, 649, 686, 738, 800, 884, 893, 895 at 903 na nasalanta ng walang tigil na ulan.
Naipasa ang inihaing resolusyon ni Majority Floor Leader Raymundo “Mon” Yupangco na magbibigay-daan upang mailabas kaagad ang pondo para sa kalamidad.
Humanga kay Mayor Isko Moreno si VM Atienza sa pagtatrabaho ng alkalde.
“Kahit na ano man ang pagsubok na pinagdaanan ng Maynila, makikita niyo na buhay na buhay ang gobyerno,” pahayag ni Atienza.
Umapela si Councilor Lou Veloso na dapat ay gawin ng krimen na may mabigat na parusang pagkakakulong ang hindi wastong pagtatapon ng basura sa halip na multa lamang.

