Suspek

100 gramo ng shabu na halagang P680K nasamsam sa 3 ‘tulak’ sa Malate

33 Views

ARESTADO ng mga operatiba MPD-Drugs Enforcement Unit ang tatlong drug suspek na may dalang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga P680,000 sa Osmeña Highway, Brgy. 738, Zone 80, Malate, Manila noong Biyernes.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang mga suspek na sina alyas Romad, 29; Putol, 40; at Toteng, 46.

Sa Imbestigasyon ni PSSg Leo Anthony Candelaria, bandang alas-2:40 ng madaling araw nahuli ng mga tauhan ng Manila Police District Drug Enforcement Unit ang tatlo.

Nakumpiska ang humigit-kumulang 100 gramo ng gramo ng shabu sa tatlo at mga P1,000 bills na boodle money na ginamit bilang buy-bust money.

Ang mga naarestong suspek ay nasa kustodiya ng mga pulis gayundin ang mga nakumpiskang ebidensya.