Pic Bilang kinatawan ni Secretary Dita Angara-Mathay sa satellite program sa Taguig City, ibinahagi ni DOT Undersecretary Stanley Ng na nasa kabuuang halaga na hindi bababa sa P2.83 bilyon ang naipamahaging serbisyo sa pamamagitan ng caravan, katuwang ang mga lokal na pamahalaan.

Handog ng Pangulo caravan inilapit serbisyo sa mga Pilipino

Jon-jon Reyes Sep 15, 2026
184 Views

Pic1Pic2Pic3Pic4Pic5Pic6Pic7Pic8NAGTIPON-TIPON ang mga ahensya ng pambansang pamahalaan sa 90 lokasyon sa buong Pilipinas para sa “Handog ng Pangulo Serbisyo Caravan,” na naghatid ng mga libreng serbisyo at tulong sa mga Pilipino noong Lunes, Setyembre 14 — isang araw matapos ang kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Bilang kinatawan ni Secretary Dita Angara-Mathay sa satellite program sa Taguig City, ibinahagi ni DOT Undersecretary Stanley Ng na nasa kabuuang halaga na hindi bababa sa P2.83 bilyon ang naipamahaging serbisyo sa pamamagitan ng caravan, katuwang ang mga lokal na pamahalaan.

Kabilang sa mga tampok na aktibidad ng caravan sa Taguig ang programang bigas na nagkakahalaga ng P20 kada kilo mula sa Department of Agriculture (DA), mga serbisyong medikal mula sa Department of Health (DOH), at tulong-pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang lokal na pamahalaan ng Taguig, Land Transportation Office (LTO), Philippine National Police, Department of Justice (DOJ), Public Attorney’s Office (PAO), Technical and Educational Skills Development Authority (TESDA), at Department of Trade and Industry (DTI).