Bagong jowaers ni girlalu di mama’s boy
Apr 20, 2026
2 lalaki nakitang dedo sa condo
Apr 20, 2026
Calendar
Metro
Bantag kinasuhan kaugnay ng pagpatay kay Percy Lapid
Hector Lawas
Nov 7, 2022
529
Views
SINAMPAHAN ng reklamong murder ang suspendidong si Bureau of Corrections (BuCor) director general Gerald Bantag kaugnay ng pagpatay sa brodkaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa.
Kasama rin sa reklamong isinampa ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation si BuCor Deputy Security Officer (DSO) Ricardo Zulueta at ilang preso na may kaugnayan umano sa pagpatay kay Mabasa at sa sinasabing middleman na si Crisanto Villamor.
Inihain ang reklamo sa prosecutor’s office ng Department of Justice noong Lunes.
Ang reklamo ay batay umano sa pahayag ng mga testigo karamihan ay nakakulong sa New Bilibid Prison.

