Phivolcs

Abra niyanig ng magnitude 5.2 aftershock

188 Views

ISANG aftershock na may lakas na magnitude 5.2 ang yumanig sa Abra Linggo ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pagyanig na ito ay aftershock ng magnitude 7.0 Northwestern Luzon Earthquake noong Hulyo 27.

Naramdaman ito alas-2:27 ng umaga at ang epicenter ay 12 kilometro sa kanluran ng bayan ng Pilar at may lalim na apat na kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity V- Pilar, Bangued and Bucay, Abra
Intensity IV – Banayoyo, Ilocos Sur; San Fernando, La Union

Instrumental Intensities:

Intensity V – Bangued, Abra; Vigan City, Ilocos Sur
Intensity III – Sinait, Ilocos Sur
Intensity II – Gonzaga, Cagayan; Laoag City at Pasuquin, Ilocos Norte
Intensity I – Claveria at Penablanca, Cagayan; Santiago City, Isabela; Tabuk, Kalinga; San Jose, Nueva Ecija; Urdaneta, Infanta at Sison, Pangasinan; Madella, Quirino