Pagcor1 Kasama ni Chairman Tengco (ikalawa mula kanan) ang iba pang pinarangalan sa ASC “Patas na Patalastas Summit.” Nasa larawan din sina ASC Chairperson Golda Roldan (dulong kanan), ASC official Robbie Aligada (dulong kaliwa), at MBC President Ruperto Nicdao Jr. (ikalawa mula kaliwa).

Ad Standards Council pinarangalan Pagcor chief

297 Views
Pagcor2
Lumagda si Chairman Tengco (ikalawa mula kanan), kasama ang mga kinatawan ng mga government partner ng ASC, sa isang pledge of partnership para sa patas na patalastas, maayos na kalakalan, at proteksyon ng karapatan ng mga mamimili at negosyong Pilipino.

PINARANGALAN ng Ad Standards Council (ASC) si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman at CEO Alejandro H. Tengco dahil sa pagsusulong ng kanyang liderato sa responsableng advertising sa gaming industry.

Ginawaran si G. Tengco ng Plaque of Appreciation sa ginanap na “Patas na Patalastas Summit” sa Makati City.

Ayon sa hepe ng PAGCOR, ang parangal ay hindi lamang para sa kanya kundi para rin sa mga empleyado ng ahensya na patuloy na naglilingkod nang may katapatan, katarungan at pananagutan.

Pinuri rin niya ang ASC sa mahalagang papel nito sa pagpapanatili ng katotohanan, kaayusan at pananagutan sa larangan ng advertising.

“Industries like ours carry an even greater responsibility to protect public trust,” ani G. Tengco. “Our partnership with ASC ensures that gambling-related advertisements are not only creative and compelling but also ethical, truthful, and mindful of their impact on society.”

Noong Hulyo 16, nilagdaan ng PAGCOR at ASC ang isang Memorandum of Understanding na nagtatakda na lahat ng gambling-related ads sa TV, radyo, online o outdoor ay kailangang dumaan muna sa review at approval ng ASC bago mailabas sa publiko.

Bilang karagdagang hakbang, inatasan din ng PAGCOR ang pagbaklas ng lahat ng outdoor gambling billboards noong nakaraang buwan.

“These steps are proof that when it comes to protecting the public, we will always choose to do what is right,” dagdag pa ni G. Tengco.

Nagtipon sa naturang summit ang mga regulators, advertisers at iba pang industry stakeholders upang lalo pang pagtibayin ang mas makabuluhan at responsableng advertising practices sa bansa.