Bautista Kinilala ni Police Major Kevin Rey Bautista ang murder suspek matapos na makorner ito ng mga operatiba ng MPD-DPIOU sa Tanza, Cavite. JONJON C. REYES

Bumaril, dumedo sa negosyante nasakote

Jon-jon Reyes Aug 27, 2025
483 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng MPD-District Police Intelligence and Operations Unit ang isang 32 anyos na lalaki na positibong itinuturong bumaril at pumatay sa 28-anyos na biktima na may ari ng clothing line business sa Sta Ana Maynila noong Martes ng umaga sa harap ng Blk.15,Carissa Homes Barnagay Bagtas,Tanza Cavite.

Nakilala ang suspek na si Javier Jameson alyas “TIisoy,” 32, residente sa La Purisima Conception,Interior D, sa Paco, Manila

Ayon kay Police Major Kevin Rey Bautista hepe ng DPIOU-MPD bandang 1:15 ng hapon ng arestuhin ng mga operatiba ang suspek sa pamumuno ni PLt. Ryan Valenzuela.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng pangkalahatang direktang pangangasiwa ng PLt. Col. Robert C Sales, OIC,ng DID/ D2, at sa pakikipagtulungan ng Tanza Municipal Police Station sa pangunguna ni PLt.Col. ll-Rieza S Kinang.

Dahil dito, nahaharap ang suspek sa krimen ng two counts ng murder. Hindi siya pinayagang makapagpiyansa.

Ayon sa naunang report na idinagdag ni Major Kevin Rey Bautista ang suspek ang itinuturong bumaril sa biktima na si alyas Carl noong June 25,2025.

Ang biktima ay pinagbabaril ng pitong beses habang nag-aabang ng sasakyan. Naitakbo pa ito sa pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay.

Agad naman nagsagawa ng follow up operation ang pulisya at nahuli ang nagmaneho ng getaway vehicle. Dahik dito naglabas ng warrant of arrest laban sa suspek hanggang sa inginuso ng driver ang kinaroroonan ng suspek sa Tanza, Cavite.