Alagang Tingog Center binuksan sa Surigao Del Norte

165 Views

BINUKSAN ng Tingog party-list ang Alagang Tingog Center (ATC) sa Surigao Del Norte.

Pinangunahan nina Tingog Rep. Jude A. Acidre, Governor Robert Lyndon Barbers, Vice Governor Eddie “Geed” Gokiangkee Jr., Mayor Pablo Yves Dumlao II, Vice Mayor Alfonso Casura na kinatawan ng kanyang anak, City Sports Consultant Karl Duane Casura, Konsehal Christopher Boyet Bonite, at Tingog Affiliate Engr. Felix Venson Chua III ang inagurasyon ng Center.

Matapos ang opisyal na pagbubukas ng ATC ay nagsagawa ng AICS payout ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang may 400 benepisyaryo ay binigyan ng tig-P3,000 cash aid.

Nagpasalamat si Chua kina Tingog Party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez, Acidre, Barbers, Gokiangkee, Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, at Mayor Pablo Yves Dumlao II sa kanilang tulong upang maitayo ang ATC na maglalapit ng serbisyo ng gobyerno sa publiko.

Pinasalamatan naman nina Department of Health (DoH) representative Engr. Erwin Pingal at DSWD representative Tesa Joy B. Musa sina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Cong. Yedda Romauldez at Acidre sa pagbubukas ng ATC sa Surigao City.

Nagpasalamat din si Gov. Barbers kina Speaker Romualdez, Yedda Marie Romualdez, at Acidre sa pagdadala ng Alagang Tingog sa mga Surigaonon.

Si Gokiangkee ay nagpasalamat din sa tulong na hatid ng Tingog party-list.

Kinilala naman ni Acidre ang tulong ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan upang maitayo ang ATC.